AABOT sa 39 Navoteño na dating gumagamit ng ilegal na droga ang nabigyan ng pangalawang pagkakataon makaraang magtapos sa Bidahan, ang community-based rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.
Dumalo sa graduation ceremony si Mayor John Rey Tiangco at binati niya ang mga nagtapos kung saan sinabi niya na saludo siya sa pagsisikap ng mga ito na magbago. Pinasalamatan din niya ang mga pamilya ng mga nagtapos na sumusuporta sa kanila.
“Malaking hamon pa rin po sa ating graduates ang pag-iwas sa bisyo. Kailangan nila ng ating tulong. Suportahan po natin sila para tuluyan ng magbago ang kanilang buhay at maging produktibo silang mamamayan ng ating lungsod”, pahayag ni Mayor Tiangco.
Ang mga nagtapos na dating drug users ay sumailalim sa anim na buwang online at limitadong face-to-face counseling na isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) katuwang ang Narcotics Anonymous.
Kasama sa Bidahan online program ang mga lecture, group counseling, relapse prevention, pati na rin ang multi-family, couple’s counseling at therapy.
Saklaw din ng programa ang 12 hakbang na pag-aaral ng grupo, women’s group, youth/CICL counseling at mental health awareness.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA