
Umabot sa 382 deboto na nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno kanina ang narespondehan at natulungan ng Philippine Red Cross (PRC).
Bandang alas-11:00 kaninang umaga, kaubuang 382 na ang mga pasyente na narespondehan ng PRC.
Sa bilang na ito, sinuri ng PRC ang vital signs ng 155 indibidwal. Nakapagtala rin ng 135 minor cases at limang major cases.
Sa mga inilipat sa PRC Emergency Field Hospital, ilan sa mga iniinda ng mga deboto ay ang lagnat, ubo, pagkahilo, panghihina, pagsusuka, ankle sprain, chest pain at pamamanhid.
Pananakit ng tiyan naman ang ininda ng isang buntis na agad dinala sa isang medical facility.
Ayon sa PRC, nasa 10 First Aid Stations; 8 welfare desks at isang Emergency Field Hospital ang kanilang itinalaga para sa Traslacion.
Nagpakilos rin ito ng 319 indibidwal at 13 ambulasya, fire truck at rescue boat na naka-standby.
Posibleng madagdagan pa ang bilang ng injuries at mangangailangan ng atensyong medikal habang hindi pa natatapos ang prusisyon na inaasahang lalahukan ng milyong deboto.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na