MAHIGIT sa 38,000 na biyahero ang naharang ng Bureau of Immigration na nais umalis ng bansa noong nakaraang taon.
Ayon kay BI Port Operations division chief Grifton Medina, pinigilan ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pa ang pag-alis ng mga nasabing biyahero dahil sa pinaigting na kampanya laban sa trafficking ng Kawanihan.
Sinabi rin ni Medina na ang kabuang bilang ng napigilang umalis noong 2019 ay mas mataas ng 16% kung ikukumpara sa 33,000 biyahero na hindi nakaalis noong 2018.
Dagdag pa niya noong nakaraang taon, tinukoy at itinurn-over ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mahigit sa 400 pasahero biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
Nangako si Medina na sa kabila ng pandemya, na mahigpit na magbabantay ang mga tauhan ng BI sa mga paliparan laban sa mga aktibidades ng human right trafficking.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?