Sinipa ni PH karateka James De los Santos ang ika-37 gold medal sa online International e-Karate tourney. Kung saan, nalampasan niya ang nakamit na medalya sa mga nakaraang torneo.
“Previous record finally surpassed! 37th Gold for 2021!,” wika ng 32-anyos na karateka.
Nasungkit nito ang 37th gold sa Kata Individual Male Seniors R2 ng Sports Data Athlete’s E-Tournament #6. Na rito’y naungusan niya ang kalabang si world champion Domont Matias Moreno ng Switzerland.
Sa kabila ng naitalang record, abalak ni James na magmina pa ng gold.
“But I’m not finished. There are still a few more tournaments left for this year. Time to finish it strong!,” ani ng World no.1 karateka.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2