November 5, 2024

37 MIYEMBRO NG CPP-NPA, SUMUKO SA NCRPO

Higit sa 30 dating miyembro ng CPP-NPA communist terrorist Group ang nagbalik loob sa pamahalaan.

Ayon kay NCRPO spokesperson PLTCOL. Dexter Versola sila ang nakikipag-negotiate para sa withdrawal ng 37 dating miyembro ng makakaliwang grupo o communist terrorist Group ng NPA.

Paliwanag ni Versola na dadaan sa tamang proseso ang 37 para sa kanilang pagsuko habang nanatili sila sa kostudiya ng PNP upang sila ay makakuha ng tulong mula sa pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay.

Matatandaang higit sa 20 dating miyembro ng NPA ang sumuko din nitong nakaraang buwan, bilang bahagi ng SAFE NCRPO program ni General Estomo at napagkalooban din sila ng tulong ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Col. Versola pinili ng mga dating miyembro ng NPA communist terrorist Group kay NCRPO Chief Pbgen Jonnel Estomo sumuko dahil sa kilala nila ito bilang dating Provincial director ng Region 5 sa Bicol Region.

Bilang bahagi ng presentasyon, nanumpa ang 37 surrenderees at isinuko mismo kay PBGen Estomo ang mga bala, armas at pagpunit ng bandela ng makakaliwang grupo bilang tanda ng kanilang pagtalikod sa kanilang samahan. Tiniyak ni general Estomo na tutulongan ng PNP ang iba pang miyembro ng makakaliwang grupo na nais magbalik loob sa gobyerno.