Pinangunahan ng Philippine Embassy ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga undocumented overseas Filipinos workers sa Kingdom of Bahrain.
Abot sa 367 na undocumented overseas Filipinos sa Bahrain ang naturukan ng AstraZeneca vaccines sa ilalim ng “Libreng Bakuna Para kay Juan at Juana” program ng Philippine embassy.
Ayon kay Philippine Ambassador to the Kingdom of Bahrain Alfonso Ver ang pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayang ay wala pang kapahintulutang magtrabaho sa nasabing bansa.
Dahil dito, ang 367 na mga undocumented OFWs ay rehistrado na sa “Be Aware Health” app.
Ibig sabihin, makakapag-avail na sila ng lahat ng features ng app, kabilang na ang electronic vaccination certificate (green shield) na kinakailangan para makapasok sa mga office buildings, government institutions, malls, restaurants, schools, at iba pa.
Maliban sa protektado na kontra COVID-19, mas magkakaroon ng oportunidad ang mga bakunadong undocumented Filipinos na mahakanap ng trabaho sa Bahrain.
Ang green shield o patunay na fully vaccinated na ang sinumang indibidwal ay pangunahing hinahanap na requirements ng mga employers doon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA