December 25, 2024

36 MRT-3 DEPOT PERSONNEL NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 36 office personnel Metro Rail Tansit Line 3 (MRT) depot na malapit sa North Avenue Station.

Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ng MRT-3 na ito’y matapos magpositibo sa pagsusuri ang tatlong manggagawa nang sumalang ang lahat ng tauhan ng MRT-3 depot sa  mandatory reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests, na dumagdag sa 33 positive cases noong Enero 20.

“All personnel who have tested positive are already in quarantine,” ayon sa MRT-3.

Bukod pa rito ang anim na positive cases na kinabibilangan ng mga worker ng  MRT-3’s maintenance provider Sumitomo-Mitsubushi Industries habang wala namang naitalang nahawa na tauhan ng MRT-3 station.

Sa kabila ng “enhanced access control” na ipinatutupad sa MRT-3 depot, sinabi nito na  magpapatuloy pa rin ang train operation kung saan ipatutupad pa rin ng mga personnel ang health at safety procedures upang maiwasan ang mga panganib ng hawaan ng virus kabilang na sa mga pasahero nito.

“These measures include enforcement of limited capacity in trains, wearing of full personal protective equipment (PPE) by stations personnel, health screening of entering passengers and stations personnel, regular disinfection of trains and facilities, placement of disinfection stations, deployment of transport marshals to ensure observance of health and safety measures, and constant reminders and enforcement of the ‘seven commandments,” ayon sa MRT-3.

Kabilang din sa “seven commandments” nito ay ang pagsusuot ng face mask at shield, bawal makipag-usap, kumain, panatilihin ang public vehicles na ventilated, madalas na disinfection, pagbabawal sa symptomatic individuals, at naangkop na physical distancing.