UMABOT sa 34 community pantries ang inilunsad sa buong lalawigan ng Nueva Ecija, sa pangunguna ng police provincial director na si Col. Jaime Santos.
Ayon kay Santos, inilatag ang naturang aktibdad sa 32 police station ng probinsiya at dalawang provincial mobile field forces, na layong mapagaan ang epekto ng kasalukuyang pandemya.
Kabilang sa ipamamahagi sa mga residente, partikular sa mahihirap, ang mga pangunahing pagkain tulad ng bigas, gulat at grocery items, base sa kakayahang ibigay ng lokal na pulisya at sa tulong na rin ng ilang indibidwal at organisasyon na nag-donate para sa magandang hangarin.
Mayoon ding slogan ang naturang aktibidad na: “Magbigay ayon sa kakahayan, kumuha ayon sa pangangailangan.
Sinabi rin ni Santos na walang bahid politika ang naturang aktibidad. Gayunman, hinihikayat niya ang iba pang mga ahensiya na tumulong na rin para sa mga nangangailangan.
“Your PNP (Philippine National Police) is here showing you our bayanihan spirit by giving and sharing; with God’s grace and mercy we shall all overcome this pandemic,” ayon kay Santos.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI