Inaresto ng pulisya ang 34 katao mula sa iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na papunta sana para lumahok sa Labor day protest sa Cebu City ngayong Sabado dahil sa umano’y paglabag sa social distancing.
Ayon kay BAYAN Central Visayas, hinuli ang 34 manggagawa ng pulisya at dinala sa isang detention facility. Pinakawalan din sila nitong Sabado ng hapon matapos magbayad ang labor groups ng P500 multa bawat manggagawa.
Kabilang sa mga manggagawang ito ay walong minero mula sa Carmen Copper sa Toledo City, 12 mangingisda sa Talisay City at 14 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).
Nakasakay ang mga mga manggagawa ng Partido Manggagawa (PM), Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), KADAMAY at iba pa nang harangin sila sa kahabaan ng Mango Avenue habang papunta sa pagtitipon sa Fuente-Osmeña Circle, malapit sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, para sa Labor protest upang ipanawagan ang iresponsableng pagtugon sa pandemya ng pamahalaan.
“Gipaningkamot sa mga kapulisan nga way mahitabo nga selebrasyon kay ang May 1 kay maong adlaw para sa protesta, hilabi na sa pandemya nga ang mamumuo ang pinakaapektado,” saad ni John Ruiz, Bayan Muna Central Visayas Coordinator.
Ayon kay PM-CEBU spokesperson Dennis Derige sa isang pahayag, na ginagamit lang ng pamahalaan ang COVID-19 bilang alibi upang pigilan ang karapatan ng mapayapang assembly ng mga mangagawa para ipahayag ang kanilang hiling ngayong Labor Day.
“Today’s arrests reveals the impunity of police against workers who are suffering under the economic crisis that has been spawned by the failed COVID response of the Duterte administration…. COVID is being weaponized against workers who are fighting for their rights and welfare,” dagdag ni Derige.
Ayon kay Emman Palma, miyembro ng Kadamay, alam ng pulisya kung saan sila magtutungo. “Dili pa ang target para sa health protocol, ang tuyo nila is ang pagharang sa mga taw nga musalmot sa rally,” wika ni Palma.
Ayon kay Palma, hinarang ng pulisya ang kanilang grupo habang nakasakay sa sasakyan at sinabihan na ituro ang kanilang lider.
Matapos ang engkwentro na ito ay ineskertan sila at dinala sa detention facilty sa Barangay Cogon-Ramos, Cebu City.
Sinubukan kontakin ng Agila ng Bayan ang pulisya at Prevention Restoration Beautification and Enhancement (PROBE) team pero wala pa silang ibinibigay na pahayag kaugnay sa balitang ito.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE