Sa pagtatala ni Luka Doncic ng another triple-double, isang milestone record ang kanyang naitala. Sa laban kontra San Antonio Spurs, 115-104 win, nakaukit ng history ang Slovenian cager.
Nagtala si Doncic ng 33rd career triple-double. Kung saan nalampasan nito si Rajon Rondo at nag-tie kay legendary guard Bob Cousy sa 11th place sa all-time list.
Ang impesibo pa rito, sumatotal na 166 games lang ang nailalaro ni Doncic. Sa kanyang maikling panahon sa NBA, pinatunayan ng 22-anyos na si Doncic na siya ay isa most promising stars ng liga ngayon.
Napili siya bilang two-time All-Star, All-NBA First team selection at 2019 Rookie of the Year. Nitong last season, nanguna siya sa Mavericks sa postseason appearance sa nakalipas na 4 na taon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!