December 25, 2024

33 BENEPISYARYO NG GIP, NATANGGAP SA NAVOTAS

Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang 33 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) matapos silang sumailalim sa orientation. Ayon kay Mayor Tiangco, sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaang lungsod mula 1 Setyembre hanggang 20 Disyembre ngayong taon at makakatanggap ng P570 kada araw. (JUVY LUCERO)

UMABOT sa 33 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) ang malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos silang sumailalim sa orientation.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaang lungsod mula 1 Setyembre hanggang 20 Disyembre ngayong taon at makakatanggap ng P570 kada araw.

“Sa serbisyo ng gobyerno, nandito tayo hindi lang para gawin ang trabaho natin. Narito kami upang tumulong na pagaanin ang pasanin ng mga taong aming pinaglilingkuran. Let us give the best service we could offer our fellow Navoteños,” ani Mayor Tiangco.

Hinikayat din sila ni Mayor Tiangco na sikaping makapagbigay ng taos-pusong paglilingkod sa kapwa at gamitin ang matututunan nila upang maging handa sa pagtatrabaho sa hinaharap.

Ang GIP ay programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng NavotaAs Hanapbuhay Center na naglalayong makapagbigay ng oportunidad sa mga high school at vocational tech graduate na wala pang karanasan sa pagtatrabaho at makapagsilbi sa mga ahensya ng pamahalaan.