Patay ang isang 33-anyos na babae sa Balanga City, Bataan matapos barilin ng kanyang live-in partner.
Ayon sa ulat, madalas na nagsusumbong ang biktimang si Regime Ebueng sa kanyang ina kaugnay sa madalas nilang pag-aaway ng suspek na si Aldrin Soriano dahil sa matinding selos.
“Madalas sila nag aaway. Nagseselos po. Pinag-iisipan ‘yung anak ko ng kung ano-ano,” ayon sa ina ng biktima na si Regina Marie Ebueng. “Kesyo may lalaki daw. Kasi po ayaw na makisama ng anak ko kasi noong huli bago ma-ospital ang anak ko binugbog na naman siya kaya inatake sa puso,” dagdag pa niya.
Lumalabas sa imbestigasyon, narinig ng mga kapitbahay ang isang putok ng baril mula sa apartment na tinutuluyan ni Regine.
“‘Yung batang maliit umakyat sa hagdanan. Sumunod yung dalawang kapatid. Eh, inalalayan ng anak ko kasi baka mahulog yung bunso, paglapit niya sa hagdanan bumunot na ng baril sa likod yung lalaki… Sabay putok sa ulo sa anak ko,” saad ng ina ng biktima
Sinubkan habulin ng mga awtoridad ang suspek subalit nagawa nitong makatakas. Patuloy nilang hinahanap ang kinaroroonan ng suspek.
“From Balanga, lumabas ng Abucay, dumaan ng highway, hinabol namin hanggang makalabas ng Pampanga,” saad ni Balanga City Police Station chief Poliuce Lt. Col. Dennis Orbista.
“Isa sa mga tinitingnan namin… Kasi may indication na may involvement sa drugs ‘yung lalaki,” lahad ni Orbista.
Hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktima sa pagkamatay ni Regine.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA