Paniguro na ang silver medal para sa Philippine women chessers na sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at Woman International Master Shania Mae Mendoza sa ouk chaktrong ( Cambodia chess) event ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Phnom Penh. Ang 4-1 kartada ng Filipina chessers sa knockout ladder prelims para sa 3.5 tally ay tumabla sa Myanmar at Malaysia. Ayon kay women’s coach GM Jayson Gonzales na siya ring National Chess Federation of the Philippines executive director,ang tandem nina Frayna at Gonzales ay makakatapat sa 7th round ang tambalang Pen Khemraraeksmy at Tep Sokratha ng host country na nauwi na sa no bearing game kung saan ang ginto ay hawak na ng Cambodian duo base sa computation. “Kinuwenta na namin,ganun din iyong kanila.Sureball na sa atin ang silver.Kasi kung may 2-way o 3-way tie sa last round,ang first tiebreak ay winner- over -the -other rule”, wika ni Gonzales tungkol sa nilahukang novel chess event na inilaro sa unang pagkakataon sa SEAGames. Tinalo ng Pinay chessers na suportado ng Philipoine Sports Commission ang Burma sa opening ,naungusan ang Malaysia kasunod ng pag- blangko nila sa Thailand. Tanging Vietnam ang nakamantsa kina Frayna at Gonzales.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!