NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 327 construction worker sa Taguig City.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, isinailalim sa swab test ang 691 construction worker ng isang construction site sa Bonifacio Global City at 327 ang nagpositibo.
Agad isinailalim sa lockdown ang naturang construction site sa BGC at nagsagawa na rin ng contract tracing ang lokal na pamahalaan.
“A localized lockdown immediately stops the spread of the virus and allows us to conduct an investigation unimpeded,” ani Cayetano.
Dagdag pa ng alkalde na nagsagawa na rin sila ng 2,104 test sa apat na lugar sa Lower Bicutan kung saan marami ang nagpositibo sa virus.
“More cases are expected as the city government continues to aggressively test. The target is for 10 percent of the city population to be tested before the year ends,” aniya.
Nabanggit din ng naturang alkalde na mayroong limang quarantine facilities sa lungsod at may bubuksan pang 500-bed mega-quarantine facility sa Lakeshore area sa Brgy. Lower Bicutan.
Sa ngayon, ang Taguig City ay may 1,450 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kabilang na ang 23 namatay at 215 gumaling.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela