NANANAWAGAN ang mga health experts sa bansa na higpitan pa ang mga patakaran sa pagbebenta ng mga sigarilyo at e-cigarette o vapes.
Ang panawagan ng Health Justice ay sa bahagi ng paggunita sa Pambansang Pangangalaga sa ating mga Baga (National Lung Month) 2022 ngayong Agosto.
Ayon sa World Health Organization (WHO), walong milyong tao sa buong mundo ang namamatay kada taon dulot ng mga sakit na may kaugnayan sa paggamit ng produktong tabako kabilang na ang sigarilyo.
Sa Pilipinas, 321 na indibidwal kada araw o 117,000 bawat taon ang pumapanaw dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo.
Kahit na ipinagbabawal, nakita sa 2019 Global Youth Tobacco Survey (GYTS) ng Department of Health na mayroong 10% ng mga kabataang may edad na 13 hanggang 15 ang naninigarilyo sa bansa. Ayon din sa nasabing survey, 14% ng mga kabataan mula sa parehong age group sa bansa ay nagsabing gumagamit ng electronic cigarettes o vapes, na nakakabahala ayon sa mga eksperto mula sa Philippine Pediatric Society
Sa pagdiriwang ng Pambansang Pangangalaga sa ating mga Baga (National Lung Month) 2022, mungkahi ng mga health experts at advocates sa gobyerno na ipatupad ang mga sumusunod na polisiya o patakaran:
Pagpapalawak ng smoke-free and vape-free environment upang maprotektahan ang kalusugan ng nakakarami at hindi na makita ng mga kabataan ang paggamit ng sigarilyo at vapes.
Pagtaas muli ng buwis na ipinapataw sa sigarilyo at vapes upang tumaas ang presyo nito at hindi mabili ng mga kabataan
Tanggalin ang flavors ng vape products at taasan ang edad na pinayagan gumamit ng sigarilyo at vapes mula 18 to 21 na taong gulang.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA