Tatlumpu’t dalawa ang patay sa pandemya sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area batay sa pinakahuling ulat ng mga health offices ng mga nasabing lungsod, habang 5,172 ang active COVID-19 cases sa nasabing bahagi ng Metro Manila.
Dalawampu ang nadagdag sa mga COVID casualties ng Caloocan City sa loob ng apat na araw. Mula 1,220 noong Agosto 21 ay sumipa 1,240 ang total COVID deaths ng lungsod nitong Agosto 25, habang sumirit naman sa 2,521 ang active cases mula sa dating 1,675.
Umabot na sa 44,741 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 40,980 na ang gumaling.
Anim namang COVID patients ang binawian buhay sa Malabon City at umakyat na sa 536 ang COVID death toll ng siyudad. Maliban dito, 65 ang nadagdag na confirmed cases nitong Agosto 25. Sa kabuuan ay 16,442 ang positive cases sa Malabon, 924 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 70 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 14,982 ang recovered patients ng Malabon.
Apat naman ang itinumba ng pandemya sa Valenzuela nitong Agosto 25 at ngayon ay 616 na ang COVID deaths ng lungsod, habang 1,739 ang active cases makaraang 43 ang gumaling at 211 ang magpositibo sa virus.
Pumanhik na sa 25,882 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at 23,527 sa kanila ang nagsigaling na.Dalawa naman ang natodas dahil sa COVID sa Navotas. Hanggang 11 :59 pm ng Agosto 24 ay 1,269 ang active cases sa siyudad matapos na 105 ang gumaling ngunit 153 naman ang mahawaan. Tumuntong na sa 13,765 ang total COVID cases sa fishing capital, at 12,064 sa kanila ang nakarekober na.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA