January 18, 2025

32 DAYUHAN ARESTADO SA POGO SA PARANAQUE CITY

MAGKASAMANG nilusob ng Bureau of Investigation (NBI) ang itinatagong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Paranaque City nitong Biyernes ng gabi, kung saan 32 dayuhan ang nalambat.

Iniulat ni BI intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na sangkot ang mga dayuhan sa online gaming at scamming operations sa isang gusali sa Aseana City, isang mixed-use central business district.

Kabilang sa nadakip sa operasyon ang 20 Chinese, 11 Malaysians at isang Cambodian. “Let this be a warning to foreign nationals who blatantly continue illegal operations despite the ban of the President,”  saad ni BI Commissioner Joel Anthony Viado. “We will not stop until all illegal aliens are arrested and deported.”

Inaasahan na mas marami pa ang maaresto at maipapa-deport matapos tuluyang ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang operasyon ng POGO.

Nasa kustodiya na ngayon ng NBI ang 32 dayuhan habang nagpapatuloy ang deportation proceedings.