NATIKLO na ng mga awtoridad ang isang 32-anyos na lalaki na Rank No. 4 Regional Most Wanted dahil sa patong-patong na kaso ng panggagahasa sa Batangas City nitong Huwebes, Nobyembre 7.
Kinilala ang akusadong si alyas “Pepito” na dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 8, Calamba City, Laguna na may petsang October 18, 2024.
S a ipinadalang report ni Santo Tomas City Chief of Police Lieutenant Colonel Apolinario Lunar Jr., kay Calabarzon PRO 4A Police Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, dakong alas-10:00 ng umaga nang arestuhin si Pepito ng mga operatiba ng Warrant Section ng Santo Tomas City Police Station sa Barangay Sta. Clara, Batangas City.
Nabatid na ang mga nakabinbing kaso ni Pepito ay 12 counts ng qualified rape of a minor na walang inirekomendang piyansa, 4 counts of sexual assault na may piyansang P200,000 kada kaso, Acts of Lasciviousness na may piyansang P180,000, at Republic Act 7610 na may piyansang P120,000.
Nasa kustodiya na ngayon ng Sto. Tomas City Custodial and Detention Facility ang suspek at nakatakdang iharap sa korte. (Erichh Abrenica)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM