Inaasahang magreresulta sa ilang daang libo na trabaho ang bahagyang pagbubukas ng mga restaurants pati na rin ng personal care industry sa mga lugar na sakop ng tinaguriang NCR Plus.
Sa kanyang tantya, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mahigit 300,000 trabaho ang ibubunga nang partial opening ng dalawang industriya.
Hindi man aniya ito kalakihan, pero nangangahulugan lamang ito na marami pang tao ang makakabalik sa kanilang paghahanapbuhay sa harap ng umiiral na modified enhanced community quarantine.
Nauna nang sinabi ni Lopez na nasa 1 million manggagawa ang “displaced” pa rin sa kasalukuyan dahil sa MECQ na ipinatupad sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.
Magugunita na kamakailan lang ay inanunsyo ng pamahalaan na papalawigin hanggang Mayo 14 ang MECQ protocol sa NCR Plus.
Subalit kahapon ay pinayagan na ang dine-in operations sa mga restaurants pero sa 10 percent capacity lang, habang ang mga barbershops at parlors ay maari namang mag-operate sa 30 percent capacity. Ayon kay Lopez, employment ang pangunahing kinonsidera nila sa DTI kung bakit inirekomenda nila sa IATF ang pagpayag sa dine-in operations at personal care services.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA