PANSAMANTALANG nagsara o itinigil ang operasyon ang mahigit 3,000 mga negosyo sa Pilipinas bunsod ng nararanasang krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipinagbigay alam na sa kanila ng mga nabanggit na kumpanya ang pansamantalang pagsasara ng mga ito.
Nakolekta niya ang bilang mula noong Enero hanggang sa kasalukuyang buwan.
Sinabi pa ni Bello, wala pa aniyang mga kumpanya ang naghain ng bankruptcy bagama’t mahigit 200 na ng nagbigay ng abiso hinggil sa tuluyang pagtigil ng kanilang operasyon.
Iginiit naman ng kalihim na nasa 2.7-milyong mga manggagawang Pilipino na ang naapektuhan ang kanilang mga pangkabuhayan dahil sa COVID-19.
Paliwanag ni Bello, iba ang kanilang datos mula sa ipinalabas na report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 7.3-milyong mga mangagawa ang nawala ng trabaho nitong Abril dahil sa COVID-19.
Aniya, aktuwal na numero ang kanilang datos habang nagmula naman sa survey ang sa PSA.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM