Tinatayang mahigit sa tatlong daang pamilya ang nawalan ng masisilungan makaraang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila. (JHUNE MABANAG)
HUMIHINGI ng tulong ang ilang mga residente ng Baseco compound sa Tondo, Maynila matapos na nasunog ang kanilang mga bahay.
Umaabot kasi sa 300 na mga residente ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nagpalipas ng magdamag sa covered ang ilang mga residente.
Nagpaabot naman ng tulong ang city government Maynila sa ilang mga naapektuhan residente.
Umabot rin sa ikalawang alarma ang nasabing sunog at inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng insidente.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA