
CAIRO, Egypt — Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi habang mahigit 115 ang sugatan matapos ang isang Israeli airstrike malapit sa aid distribution point ng Gaza Humanitarian Foundation (GHF) sa Rafah, ayon sa ulat ng Palestinian news agency WAFA at media na konektado sa Hamas nitong Linggo, Hunyo 1.
Wala pang pahayag ang Israel ukol sa ulat ng pag-atake, na itinuturing na isa sa mga pinakamadugong insidente sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gaza.
Ang GHF ay isang humanitarian organization na kamakailan lang nagsimulang mag-operate sa Gaza, at suportado rin umano ng Israel. Sa kabila nito, ilang mga Palestino ang nagpahayag ng pangamba sa neutralidad ng grupo, lalo na’t gumagamit ito ng biometric screening at iba pang paraan ng pagkilala sa mga benepisyaryo — hakbang na ayon sa Israel ay para matiyak na walang koneksyon sa Hamas ang mga makatatanggap ng ayuda.
Noong Mayo 28, inakusahan ng Hamas ang Israel ng pagpatay sa tatlong sibilyan at pagkasugat ng 46 iba pa sa isa ring distribution site ng GHF. Mariing itinanggi ng aid group ang paratang.
Ayon naman sa Israeli military, noong insidente ng Mayo 28 ay nagpaputok sila ng warning shots sa labas ng compound upang makontrol ang dagsa ng libu-libong tao na sumugod sa lugar para sa ayuda.
Walang linaw kung bakit naging target ng pinakahuling airstrike ang lugar malapit sa humanitarian site.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon, habang nananawagan ang international community ng agarang pagpapahinto sa karahasan at proteksyon sa mga sibilyan sa Gaza, lalo na sa mga lugar na dapat sana’y ligtas gaya ng mga relief center.
More Stories
KOREAN SCAMMER NA MAY P400-M KASONG FRAUD, NASUKOL NG BI
39 foreign workers sa Telco sa BGC, naaresto ng Bureau of Immigration
Tulak, tiklo sa Malabon drug bust