Naniniwala ang 30 percent ng Filipino adults na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Isinagawa ang survey mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 2 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 respondent sa buong bansa, ayon sa SWS. Inilabas ang resulta ng survey noong Sabado.
Bukod sa 30 porsiyento na “gainers”, naitala naman ang 29 porsiyento ang “losers” o nagsabi na lumala naman ang sitwasyon ng kanilang buhay at 41 porsiyento naman ang nasabi na walang pinagbago o “unchanged” kumpara noong isang taon.
“The resulting net gainers score is zero (% gainers minus % losers, correctly rounded), classified by SWS as fair (-9 to zero),” sabi ng SWS.
Idinagdag ng SWS na kumpara noong Oktubre 2022, mas mataas ang iskor ng net gainer kumpara sa fair -2 nong Hunyo at Abril 2022.
Samantala, mas mababa pa rin ito ng 18 puntos kumpara noong wala pang pandemya na nasa very high +18 noong Disyembre 2019.
More Stories
Imbestigasyon sa ‘palit-ulo scam’ sa isang pribadong ospital sa Valenzuela
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024