PINAYAGAN ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng rehistro ng lahat ng mga motorsiklo sa tatlong taon.
Ipinalabas ni LTO Chief Jay Art Tugade ang Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 kung saan tatlong taon na rin ang validity ng mga makina na 200cc pababa.
Batay sa kasalukuyang panuntunan sa Republic Act 4136 at Republic Act 11032, ang mga bagong motorsiklong may engine displacement na 201cc pataas lamang ang sakop ng tatlong taong bisa ng inisyal na rehistro.
“Hindi natin nakikita na magkakaroon ng problema sa roadworthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan,” sabi ni Tugade.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan