ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa ilegal drug activities nina Adrian Jocson alyas “Jhey-Ar Baba”, 20, at Luz Clarita Brazas alyas “Luz”, 46, kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:25 ng madaling araw sa Gov. Pascual St., Brgy. San Jose matapos bintahan ng P3,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang 11.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value na P78,880.00, buy bust money na isang P1,000 bill at dalawang P1,000 boodle money.
Bandang alas-12:40 naman ng madaling araw nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa E. Mariano St., Brgy. Tangos South si Henry Baltazar alyas “Boogie”, 49.
Nakuha sa kanya ang apat heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Danngerous Drug Act of 2002.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO