
BAGSAK sa selda ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang madakma ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Enteng”, 28, at alyas “Bebeng”, 27, kapwa residente ng Brgy., Tonsuya.
Ayon kay Col. Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad silang dinamba ng mga tauhan ni Col. Baybayan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kanto ng C. Perez at Samatob Sts., Brgy. Tonsuya.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 12.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P85,000 at buy bust money.
Alas-3:35 ng Martes ng madaling araw nang matiklo ng mga operatiba din ng SDEU sa buy bust operation sa Gulayan, Brgy. Catmon si alyas “Benben”, 25, at nakuha sa kanya ang nasa 5.2 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P35,360.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
KOREAN SCAMMER NA MAY P400-M KASONG FRAUD, NASUKOL NG BI
39 foreign workers sa Telco sa BGC, naaresto ng Bureau of Immigration
Tulak, tiklo sa Malabon drug bust