TATLONG tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang itinuturing na High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:45 ng Linggo ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables ng buy bust operation sa Gen T De Leon Road corner Calle Onse , Brgy. Gen T De Leon.
Nadakip sa operation ang magdyowa na sina Joel Montecalvo, 50, at Marilyn Belandres, 51, kapwa ng Brgy. 128, Upper Smokey Mountain, Tondo Manila matapos dumayo pa umano sa Valenzuela City para magbenta ng shabu.
Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price vakue na P102,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 18-pirasong P500 boodle money, cellphone at P200 cash.
Bandang alas-3:15 naman ng Sabado ng hapon nang unang maaresto ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Joel Madregalejo sa buy bust operation sa R. Delfin Str., Brgy. Marulas, si Danny Along, 46, HVI, ng 66 Pardilla Compound Ems Bario, Marulas, matapos bentahan ng P9,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani PSSg Carlos Erasquin, nasamsam kay Along ang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money, cellphone at P100 cash.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI