CLARK FREEPORT ZONE, Pampanga – Napigilang makaalis ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang tatlong babae na patungo sa United Arab Emirates (UAE) na hinihinalang mga biktima ng human trafficking.
Sa report na ipinadala kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU), naharang ang mga nasabing pasahero noong Biyernes nang tangkaing sumakay sa Emirates flight papuntang Dubai.
Iprinisinta ng mga babaeng ito ang kanilang sarili para sa primary immigration inspection at nagpanggap umanong mga turista para makaalis, ngunit sa huli ay inamin sila’y magtatrabaho bilang domestic workers sa emirate.
Pare-pareho silang may valid UAE tourist visas at return tickets para palabasin na sila ay magbabakasyon sa Dubai.
Gayunpaman, nang kapanayanim, nagtapat ang mga naturang babae na sila’y ni-recruit para magtrabaho sa abroad nang walang hawak na overseas work permits mula sa gobyerno.
Dagdag nila na nakatanggap sila ng instructions mula sa kanilang handler sa Facebook at nakuha nila ang mga kopya ng kanilang visa at return ticket sa pamamgitan ng Internet.
Ayon pa sa mga biktima, wala silang binayarang pera sa kanilang agent, subalit kakaltasan ang kanilang mga sahod para doon kunin ang kabayaran.
“This is a form of debt bondage,” saad ni Morente.
“Hindi ka pa nakaka-alis may utang ka na. In many cases, victims are charged by their recruiters exorbitant amounts which they are unable to immediately pay off, further locking them to their employers despite horrible working conditions,” dagdag niya.
Ang mga nasabing pasaher ay i-turn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon.
May babala naman si Morente sa mga miyembro ng sindikato ng human trafficking na hindi lamang sa airport sa Maynila mahigpit na nagbabantay ang BI kundi maging sa iba pang international ports.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE