Arestado ang tatlong sugarol sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Glessy Sion, 40, Ma. Nita Garcia, 53, at Merigen Paghubasan, 39, pawang ng Brgy. Tugatog.
Sa imbestigasyon nina PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa nagaganap na illegal gambling na kilala bilang “Tong-its” sa Asogue St., Brgy. Tugatog.
Bumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PLT Zoilo Arquillo sa koordinasyon sa Sub-Station 2 saka nirespondehan ng mga ito ang naturang lugar dakong alas-4 ng hapon. Dito, naaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos maaktuhang naglalaro ng tong-its at nakumpiska sa kanila ang isang deck of card at P1,700 bet money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA