ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makumpiskahan ng higit sa P176,000 halaga ng droga sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, alas-1:00 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez ang buy-bust operation sa Gen. T De Leon Rd. sa nasabing siyudad kontra kay Harold James Royo, 22, at Beliamor Cañedo, 28, kapwa nakatira sa Libis Baesa, Caloocan City.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 markadong salapi mula kay PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu, agad lumapit ang back-up na sina PSSg Gerry Dacquil at PSSg Alvin Olpindo saka inaresto si Royo at Cañedo.
Nakumpiska sa kanila ang aabot sa 11 gramo ng shabu na nasa P74,800.00 ang halaga, buy-bust money, 5 piraso ng P100 bill, cellphone at isang motorsiklo.
Dakong alas-6:30 naman ng gabi nang unang matimbog ng mga operatiba din ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr. si Jaspher Reyes, 23, (watch listed) sa buy-bust operation sa Hagdang Bato, Sitio Kabatuhan, Gen T. De Leon. Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, narekober sa suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na tinatayang nasa P102,000.00 ang halaga, P500 buy-bust money, P300 cash, at cellphone.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA