January 24, 2025

3 suspek na gumahasa, pumatay sa trans man arestado!

SASAMPHAN ng kasong rape with homicide and robbery sa Quezon City Prosecutor’s Office  ang tatlong suspek sa pamamaslang sa biktimang 21-anyos na trans man na si Ebeng Mayor.



Ito ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar, matapos na madakip ang mga suspek nitong araw ng Sabado ng mga awtoridad ng Quezon City Police District, Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) sa pamumuno ni QCPD District Director PBGen. Antonio Yarra.

Personal na kinilala ni PGen. Eleazar, ang mga suspek na sina  Zander Dela Cruz alyas “Dugong”, 22; Joel Loyola alyas “Nonoy” at “Nonoy Sablay”, 30; at si Richard Elvin Araza alyas “Tiago”, 34-anyos.

Matatandaan na noong bandang hapon ng Huwebes, May 20, 2021, ay natagpuan ang bangkay ng nasabing biktima sa bakanteng lote ng Sitio Bakal, Barangay Bagong Silangan sa Quezon City, na may indikasyon na ginahasa muna bago pinatay.

Nag-ugat ang pagkaka-aresto sa tatlong mga suspek  matapos na magsagawa ng pag-i-imbestiga ang mga operatiba ng QCPD-CIDU sa mga kaibigan at nakakilala kay Mayor, subalit dahil sa tawag ng konsensya ay hindi umano nakatiis ang isa sa mga suspek na si Dela Cruz na kababata ng biktima at inamin nito ang ginawang krimen.

Itinuro ni Dela Cruz ang dalawa pang mga kasabwat na agad din hinuli ng mga pulis. Nakuha kaya Araza ang cellphone ng biktima

Dahil sa mabilis na pagkakaresolba sa krimen ay pinapurihan ng PNP Chief ang QCPD sa pangunguna ni General Yarra.

Karagdagan kaso naman ang isasampa kay Loyola matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril na ginamit sa krimen o paglabag sa RA 10591  (Illegal Possession of Firearms and Ammunition). (KOI HIPOLITO)