NA-TRAP ang isang 22-anyos na babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue dakong alas-11:25 ng umaga nang ma-trap ng higit apat na oras matapos gumuho ang residential building sa 74 Orchids St., Brgy. Longos, dakong alas-7 ng umaga.
Kinilala naman ang dalawa pang sugatan na sina Rhodora Tumbukon at Francisco Catindoy na unang na-rescue ng mga tauhan ng Malabon Disaster Risk Reduction Management Office (MDDRMO) at Malabon Bureau of Fire Protection (BFP). Naka-confine ang mga biktima sa Ospital ng Malabon.
Sa tinanggap na report ni Col. Daro, ang bahay kung saan nakatira ang mga biktima ay nadamay lamang ng gumuhong istraktura na katabi ng kanilang bahay.
Ang mga pamilyang nakatira sa gumuhong residential building ay binubuo lima mula sa Esilio family at apat mula sa Morada family na hindi nasaktan matapos agad makatakas bago gumuho ang istraktura.
Pinayuhan naman ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong gusali na pansamantalang iwanan ang kanilang mga bahay hanggang matapos ang imbestigasyon at assessment na isinasagawa ng Malabon BFP at City Engineering Office.
Patuloy imbestigasyon sa nasabing insidente subalit, naniniwala ang mga awtoridad na mahinang pundasyon ng gusali ang posibleng dahilan ng pagguho.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY