
Nauwi sa madugong pamamaril ang nangyaring road rage nitong Linggo, Marso 30 sa Antipolo City.
Kalat na ngayon sa social media ang naturang insidente, na naganap nitong Linggo ng hapon, matapos makuhanan ng video ang nangyaring komprontasyon.
Naaresto ang 28-anyos na si alyas “Kenneth” sa ikinasang “hot pursuit operation” sa border checkpoint sa Masinag, Barangay Mayamot, Antipolo City.
Ayon sa pulisya, sinubukan ng suspek na takasan ang mga awtoridad lulan ng kanyang itim na Toyota Fortuner bago tuluyang masukol.
Nagana pang pamamaril dakong alas-5:00 ng hapon matapos ang mainit na pagtatalo sa ilang indibidwal dahil sa away-trapiko o road rage.
Lalo pang naging mainit ang sumunod na pangyayari matapos bumunot si Kenneth ng baril na ikinasugat ng tatlong katao na kinilalang sina alyas “Peter,” 52-anyos, na nagtamo ng bala sa ulo; alyas “Patrick,” 22, na nabaril sa kanang balikat; at alyas “Davis,” 29, na nabaril sa dibdib na nagtangka lamang umawat.
Dinala ang mga tatlogn biktima sa Cabading Hospital para sa emergency treatment.
Sa video na lumabas sa social media, nakuhanan si Kenneth na nakikipagsuntukan sa dalawang motorcycle rider bago bumunot ng baril at ilang beses na nagpaputok.
Makikita rin sa footage ang isang babae na sakay ni Kenneth sa kanyang sasakyan ang nasugatan din sa insidente.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO