TIMBOG ng Bureau of Immigration ang tatlong South Koreans na wanted sa mga awtoridad ng Seoul dahil sa pag-o-operate ng illegal gambling sites sa Internet.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, naaresto ang mga dayuhang pugante sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa kamakailan lang ng mga miyembro ng Fugitive Search Unit (FSU) ng burea sa Metro Manila.
Nadakip noong Nobyembre 8 sa BF Homes, Parañaque City si Kim Heechul, 36, habang sina Seo Min, 30, at Kim Yongsu, 45, nakorner sa kanilang condominium unit sa kahabaan ng Scout Grandia sa Diliman, Quezon City. Nakakulong ang tatlong Koreano sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay maipa-deport.
“They will also be placed in our blacklist of undesirable to make sure they won’t be able to come back to the Philippines,” ayon sa BI chief. (ARENIO TAN)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA