
BINAWIAN ng buhay ang pitong katao habang sugatan ang anim iba pa sa nangyaring karambola ng tatlong sasakyan sa Batomelong, General Santos City, ngayong araw.
Sa inisyal na report, naganap ang insidente alas-3:15 ng hapon sa Purok 4 National Highway, Batomelong nang magbanggaan ang isang Ford raptor, Wingvan truck at commuter van.
Sumabog umano ang gulong sa likod ng commuter van dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela, at saka sumalpok sa truck at Fors Raptor.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa aksidente.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’