TINATAYANG halos P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang ginang matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang mga suspek na sina alyas “Nano,” 48, welder, alyas “Bonsai,” 34, at alyas “Jeng-Jeng,” 51, pawang residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Canals, ikinasa ng mga tauhan ni P/Lt. Restie Mables, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Nano.
Nang makita ang senyas mula sa isa nilang kasama na nagpanggap poseur-buyer na hudyat na nakabili na ito ng shabu sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na mga operatiba saka dinamba si alyas Nano dakong alas-4:30 ng madaling araw sa Mithi St., Brgy. 24, kasama ang dalawa pang suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 27 grams na may katumbas na halagang P183,600 at buy bust money na isang tunay na P500 at 9-pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at mahusay na pagganap sa operation.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA