Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kani-kanilang mga bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan kabilang ang isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan.
“They will all be deported for being undesirable aliens and for posing risk to public safety and security. Afterwards, they will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ani Morente.
Dagdag pa ni Morente na ang tatlong dayuhan ay mananatili sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang ang kanilang deportation ng board of commissioners ng BI ay nakabinbin.
Kinilala ang Taiwanese national na si Sie Mu Shi, 32 na inaresto sa Quezon City at wanted ng criminal investigation bureau ng Taiwan dahil sa illegal possession of firearms.
Naaresto rin ang South Korean national na si Lee Chungho, 37, sa bisinidad ng BI building na bukod sa pagiging overstaying ay wanted din ng awtoridad ng Seoul dahil sa panloloko ng halos 15.2 million o US$13,000 sa kanyang mga kababayan. Samantala, sa Dagupan City, Pangasinan naman naaresto ang American national na si Rexfordgay Sanculi Velasco, 43, dahil sa pagiging overstaying at dating sundalo ng US marine na wanted sa US Department of the Navy dahil sa pagiging military desertion. BOY LLAMAS
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE