PATAY ang tatlo katao habang dalawa ang sugatan at isa pa ang nawawala matapos salantain ng Bagyong Dante ang Region 11 at 12.
Ito ay batay sa report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa mga iniulat na nasawi, 2 ang mula sa Region 11: ang isang taong gulang na batang lalaki na natabunan ng putik, taga Panoraon, Davao de Oro; at isang 71 taong gulang na lalaki na tinangay ng flashflood, na kapwa taga Malalag, Davao del Sur.
Ang pangatlo namang iniulat na nasawi ay isang 14-anyos na babae mula sa Norala South Cotabato.
Patuloy naman ang search and rescue operations sa Norala South Cotabato para sa nawawalang 55 taong gulang na ama umano ng pangatlong iniulat na nasawi.
Habang sa Brgy. Macangao Davao Oriental, isang 14 na taong gulang na lalaki ang nagtamo ng head injury; at isang 18-anyos na babae ang nabalian ng buto sa hita.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA