Isinalba ng Angono Rizal Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang tatlong batang biktima ng pagmamalupit ng kamag-anak.
Sa kalatas ng Angono Public Information Office, nakatanggap ng impormasyon si Angono Mayor Jerie Mae Calderon mula sa mga kapitbahay ng tatlong paslit hinggil sa pang-aabuso, pananakit at pagmamalabis ng mga kaanak sa tatlong batang nakatira sa Barangay Kalayaan ng nasabing bayan.
Agad na inatasan ng alkalde ang MSWDO na magtungo sa Barangay Kalayaan kung saan naaktuhan .municipal social workers ang pagmamalupit sa tatlong batang edad anim pababa.
Tumanggi ang MSWDO na pangalanan ang mga biktima, bilang proteksyon alinsunod sa Republic Act 7160 na mas kilala sa tawag na Anti-Child Abuse Law.
Sa pagsusuri ng medico legal, lumalabas na nagtamo ng multiple hematoma ang mga biktimang agad na dinala sa Bahay-Kalinga. Kaugnay nito, inihahanda na ng municipal social workers ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY