Kuha mula sa NCRPO
ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Korean nationals na wanted sa mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.
Kinilala ni Jaime Morente ang mga dayuhan na sina Lim Yeongjun, 36; Kwon Hyeoksoo, 49; at Sim Dong Woo, 49.
Nadakip ang tatlo noong Martes, Agosto 4, ng pinagsanib na puwersa ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI at Philippine National Police sa loob ng opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Southern Police District (SPD) Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City kung saan una silang naaresto.
Sinabi ni Morente na ang tatlong Koreano na pawang mga overstaying na ay kasama sa red notices ng Interpol at ang kanilang pasaporte ay binawi na ng kanilang gobyerno.
Ipinaliwanag din ni Morente na ang mga nasabing dayuhan ay hindi pa maaaring pabalikin sa kanilang bansa dahil nahaharap pa sila sa kasong paglabag sa 1988 Access Device Regulation Act at 2011 Anti-Cybercrime Law kung saan kasalukuyan silang nakadetine sa custodial facility ng CIDG habang iniimbestigahan sila.
“It is only after these criminal charges are resolved and upon completion of service of sentence, if they are convicted, that we will be able to deport them,” ayon kay Morente.
Sa impormasyon na nakalap nila sa BI Interpol Unit, ang tatlo ay lihim na nag-o-operate ng isang call center sa Manila na ginagamit nilang paglilinlang sa kanilang mga biktima kung saan pinabalabas nila na mga ahente sila ng isang lending institution at hinihikayat ang kanilang biktima na bayaran ang kanilang mga utang ng advance upang makakuha sila ng mababang interest.
Ayon sa Korean authorities na ang tatlong dayuhan ay nanlimas ng mahigit 80 million won o mahigit US$67,000 na nakalagak sa isang bangko. “Consequently, we’re not only able to bring these criminals to justice. We also prevented them from using our country as a refuge so they could evade prosecution for their crimes. Besides, their presence here poses a threat to our people’s welfare and safety,” ayon sa BI Chief.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?