Isinailalim sa imbestigasyon ang tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa human trafficking syndicates.
“Nasa initial stages pa rin tayo but it has been expanded sa tatlong individuals,” ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval.
Ayon sa bureau, nakatalaga ang dalawang opisyales sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang isa ay sa Clark International Airport (CIA).
“The three were relieved from front-facing positions and moved to back-end offices to give way to the investigation,” saad ng BI.
Sasailalim din ang ahensiya sa internal cleansing at restructuring kasunod ng imbestigasyon.
“Our investigation will not stop at the three officers, we are looking at how many could be involved internally and externally,” sambit ni Sandoval. “BI will also undergo internal cleansing and restructuring.” “Looking at the patterns, while it might be too early to jump to conclusions, there might be a link between these immigration officers to illegal syndicates in Myanmar and Cambodia,” saad ng BI.
Sinasamantala ang mga Pinoy sa ganitong modus kung saan papangakuan sila na makapagtatrabaho sa ibang bansa, na kadalasan ay sa Myanmar at Cambodia.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!