NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tatlong itinuturing na “key officials” ng Manila City Hall.
Ito ang inihayag ni Mayor Isko Moreno sa flag raising ceremony kaninang umaga, kasabay ng muli niyang pagpapaalala sa publiko na magdoble-ingat dahil nasa paligid pa rin ang nasabing virus.
“Today is the saddest day… three of our key officials were infected. This shows that nobody is excused from the deadly virus,” ani ni Moreno.
Agad naman na sumailalim sa “swab testing” si Domagoso gayundin si Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at mga opisyal ng pamahalaan na nakasalamuha ng mga kapwa nila opisyal na nagpositibo sa nasabing sakit. Nagpasalamat ang alkalde dahil negatibo naman ang resulta sa ginawa sa kanilang pagsusuri.
“Nandiyan po si COVID hinihintay po tayo. ‘Wag ninyong hayaan na malagay kayo sa alanganin, It’s really dangerous and we really have to take care of ourselves. Simple lang, wear your mask, wash your hands, keep particular distance, stay home as much as possible and practice due diligence,” ayon kay Moreno.
Samantala, pinuri naman ni Moreno ang mahalagang tungkulin ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan sa pakikipaglaban ng pamahalaan ng lungsod sa COVID-19.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA