SA kulungan ang bagsak ng tatlong katao na pawang wanted sa kasong murder sa Malabon City matapos madakip ng pulisya sa magkakahiwalay na manhunt operation sa Navotas City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director0/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang manhunt operation kontra sa akusadong si alyas Philip, 62.
Si ‘Philip’ na nasa top 2 most wanted person ng NPD ay nadakip ng mga operatiba ng WSS dakong ala-1:00 ng hapon sa R-10, Marcelo St., Brgy., NBBS Proper.
Nauna rito, bandang alas-12:30 ng tanghali nang matimbog naman ng kabilang team ng WSS ng Navotas police manhunt operation din sa C-3 Road, Brgy. NBBS Proper ang ipa pang akusado na si alyas Berto, 59, na nasa top 1 most wanted person ng NPD.
Habang alas-6:45 ng gabi nang masukol naman ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr. sa manhunt operation sa Raha Matanda St., Brgy. Daang Hari ang akusado si alyas Kenneth, 35, na nasa top 5 most wanted person ng Malabon City.
Ang tatlong akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 170, Malabon City noong August 13, 2024, para sa kasong Murder.
Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA