January 19, 2025

3 most wanted persons, arestado sa Valenzuela

ISINELDA ang katao na listed bilang most wanted persons matapos madakip sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-11:22 ng umaga nang magsagawa ng pagsisilbi ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista na nagresulta sa pagkakaaresto kay Don Joshuah Fernandez alyas “Dan Joshuah”, 23, sa kanyang bahay sa No. 4738 Tolentino St., Brgy. Gen. T. De Leon.

Si Fernandez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 16, Valenzuela City noong February 10, 2023, para sa kasong Robbery with Physical Injuries.

Alas-10:20 naman ng umaga nang isilbi ng pinagsamang mga tauhan ng WSS at 5th MFC, RMFB, NCRPO ang isang arrest warrant na nagresulta sa pagkakadakip kay Mark Lawrence Malonzo alyas “Eisha”, 33 ng Sitio Kabatuhan, Compound 2, Brgy.  Gen T De Leon sa Brgy. Ugong.

Ani PLt Bautista, si Malonzo ay inaresto nila sa bisa ng warant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong February 9, 2023 para sa paglabag sa Lascivious Conduct under Sec. 5 (b) of R.A. 7610 as amended by R.A. 116481- An Act Providing for Stronger Protection against Rape and Sexual Exploitation and Abuse.

Samantala, dakong alas-12:20 ng tanghali nang masakote naman ng mga tauhan ng Sub-Station 9 sa pangunguna ni PMAJ Albert Juanillo Jr, sa manhunt operatin si Marvin Demillo alyas “Nonoy”, 32, sa kanyang bahay sa 1206 Barrio Bitik, Brgy. Gen T De Leon.

Sabi Major Juanillo, inaresto si Demillo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City RTC Branch 285 noong February 10, 2023, para sa kasong Robbery. (JUVY LUCERO)