
Ang mababang presyo ng palay ang nag-udyok sa tatlong magsasaka para kitilin ang kanilang sariling buhay.
Ito ang ibinunyag ni Magsasaka Party-list chairman Argel Joseph Cabatbat sa isang panayam sa radyo.
Kinumpirma rin ni dating agriculture secretary at Magsasaka-Party List nominee Leonardo Montemayor ang naturang ulat nang makipagpulong ito sa mga magsasaka sa mga bayan ng Guimba at Talavera sa Nueva Ecija.
Ayon kay Montemayor, nasa P15 per kilo o mas mababa pa ang kasalukuyang presyo ng palay, kaya’t naging desperado ang mga magsasaka sa takot na hindi mabayaran ang kanilang utang.
Gayunpman, sinabi ni Department of Agriculture (DA) spokesman Arnel de Mesa na naglalaro ang presyo ng palay sa Central Luzon sa P22/kg hanggang P23/kg, ayon sa ulat ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
Nito lamang buwan, sinabi ni National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson na ang mga rice miller ay bumibili ng malinis at tuyong palay sa halagang P20/kg hanggang P22/kg, habang ang basang palay ay karaniwang binibili sa P5 na mas mababa bawat kilo.
Nitong buwan lang na ito itinaas ng NFA ang buying price ng palay, bumili ng P18/kg para sa fresh palay at P24/kg para sa clean at dry palay.
Isinisi naman ni Montemayor ang “unlimited importation ng murang bigas,” para bumaba ang presyo ng palay,
Samantala, sinisisi ni Montemayor ang “unlimited” na pag-aangkat ng murang bigas para bumaba ang presyo ng palay, lalo na ngayon na kasalukuyang nagaganap ang panahon ng anihan.
Noong 2019, ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang Republic Act (RA) 11203, o ang Rice Tariffication Law (RTL), na nag-alis ng quantitative import restriction sa bigas at pinalitan ito ng mga taripa.
Plano ng mga Nueva Ecija farmers na magsagawa ng protesta bukas, Marso 22, sa Quezon Bypass Road upang makuha ang atensiyon ng publiko kaugnay sa kanilang tunay na kalagayan. Inaasahan na 150,000 magsasaka ang inaasahang dadalo.
More Stories
DSWD namudmod ng libreng cellphone sa 4Ps beneficiaries
PEZA DG’s Chess Cup Armageddon… GM DM QUIZON ANG KAMPEON!
Unity walk, peace covenant signing sa Makati tagumpay