SINIBAK sa puwesto ang tatlong miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang puwesto matapos i-post ang video ng kanilang operasyon sa pagresponde sa report ng pagkamatay ng beteranong aktor na si Rolando Valdez na mabilis kumalat sa online.
Sa isang press conference na isinagawa sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo kasalukuyang nasa QCPD holding unit habang iniimbestigahan ang station commander at dalawang police officer na rumesponde sa insidente, base sa kautusan ni QCPD director Brig. Gen. Redrico Maranan.
Tinawag ni Fajardo na “regrettable” ang naturang insidente, kung saan sinabi nito na pupuwede lang gumamit ng video para lamang sa documentation purposes.
Dagdag niya, nag-request na ang QCPD sa Anti-Cybercrime Group (ACG) para tuluyan nang ma-delete ang naturang video.
“Gusto ko kuhanin itong pagkakataon na ito para manawagan din doon sa mga kababayan natin na refrain from sharing itong very sensitive na video na ito. It was not intended na ishare kasi let us respect yung privacy nung biktima at kanyuang pamilya at siguro one way of condoling with the family is for us to refrain from sharing that video,” giit niya.
Kinumpirma ng QCPD na pumanaw ang beteranong aktor noong Linggo ng hapon.
Si Valdez, 76, (James Ronald Dulaca Gibbs sa totoong buhay) ay ama ni Melissa Gibbs at singer, actor, at comedian na si Janno Gibbs.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI