December 23, 2024

3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI

Ang tatlong Japanese na ipina-deport ng BI (ARSENIO TAN)

Matagumpay na naipadala pabalik sa sarili nilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Japanese nationals nitong Nobyembre 19, 2024.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) chief Anthony Viado ang tatlong deportees na sina Koyama Tomohir, Nagaura Hirok at Miura Eisei, na itinurnover sa Japanese police authorities at sumakay sa Japan Airlines flight JL 746 patungong Tokyo.

Napag-alaman mula kay BI spokesperson Dana Sandoval na napa-deport ang mga ito dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili, na nakatakda sa ilalim ng Section 37 (a)(7) ng Philippine Immigration Act of 1940 at pagiging undesirable aliens.

Ang tatlo ay mayroong nakabinbin na arrest warrants na inisyu ng Japanese authorities dahil sa umano’y criminal acts, na nakumpirma sa pamamagitan ng official records ng Japanese government.

Isinagawa ang pagpapauwi sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Japanese Embassy. Bilang karagdagan, iniligay na rin sa blacklist ng BI ang kanilang mga pangalan upang hindi na makabalik ng Pilipinas.

“The Bureau remains committed to ensuring that foreign nationals within the country adhere to Philippine laws and regulations, in line with its mandate to safeguard the nation’s security and interests,” ayon kay Sandoval. (ARSENIO TAN)