November 2, 2024

3 INDIAN ARESTADO SA IMMIGRATION OPS SA DAVAO

Kalaboso ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang 3 illegal aliens sa maghiwalay na operasyon sa Davao City.

Arestado noong Huwebes ng hapon ng Mindanao Intelligence Task Group (MITG) ng BI ang 35-anyos na si Tejpal Singh. Subject si Tejpal ng Mission Order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente matapos makumporma ang pagiging overstaying nito sa bansa sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay BI MITG head Melody Gonzalez, lumalabas sa imbestigasyon na nagtatrabaho si Tejpal bilang cook sa isang sikat na Indian restaurant sa kahabaan ng Circumferential Road.

Sa isang pang operasyon, nahuli rin ng mga operatiba ng MITG si Prakashkumar Vishnubai Patel, 31, at Manojkumar Ranchhodbai Patel 51, malapit sa nasabing restaurant, kasunod ng Mission Order na inisyu laban sa kanila.

Napag-alaman na inaresto ang mga ito dahil sa pagiging overstaying, nagtatrabaho ng walang mga working permit at visa.

Ang tatlong ito ay nasa holding facility ng Bureau of immigration sa Davao City habang inaantay ang kanilang mga deportation Order mula sa BI Board of Commissioners.