NASAMSAM sa tatlong drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P7.9 milyong halaga ng shabu matapos madakip ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Tomboy”, 24, alyas “Meng”, 31, at alyas “Halem”, 18, estudyante, pawang residente ng lungsod.
Ayon sa ulat, ikinasa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy bust operation, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA RO NCR NDO) at Sub-Station 14 ng Caloocan police nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan.
Kaagad pinasok ng mga tauhan ng DDEU ang isang bahay sa San Lorenzo Ruiz, Brgy. 185 saka inaresto ang mga suspek matapos matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target dakong alas-12:10 ng hating gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1,170 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P7,956,000.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 26-pirasong P1,000 boodle money.
Sasampahan ng DDEU ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
Pambansang Buwan ng Sining ang Pebrero
BOC Joins Special Session of National Single Window Steering Committee
DTI reinforces MSME commitment with successful Kadiwa ng Pangulo launch in Bay, Laguna