Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan umano ng ilegal na droga sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni PLT Doddie Aguirre, deputy chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga suspek na sina Jordan Batac, 43 ng Brgy. Karuhatan, Joshua Mase, 23, construction worker at Jimbho Argarin, 34, consturction worker, kapwa ng Dulong Tangke, Brgy. Malinta.
Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Aguirre ng validation matapos ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta.
Pagdating sa lugar dakong alas-3:30 ng madaling araw, naaktuhan ng mga operatiba si Batac na may iniabot umanong plastic sachet ng hinihinalang shabu kay Mase at Argarin.
Kaagad nilapitan ng mga operatiba ang mga suspek sabay nagpakilalang mga pulis subalit, nang aarestuhin ay pumalag si Batac saka kumaripas ng takbo ngunit hinabol siya ng arresting officer hanggang sa madakip.
Nakumpiska sa mga humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800, isang cellphone, hard case at P500 cash.
Kakasuhan ng pulisya ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?